• LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
  • LUNES-SABADO SA IT'S SHOWTIME!
Janine at Reggie ng Visayas, pasok na sa “Tawag ng Tanghalan” grand finals

Muling masasaksihan ang galing sa pag-awit at paglaban sa pangarap nina Janine Berdin ng Cebu at Reggie Tortugo ng Ormoc, Leyte matapos silang tanghaling grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.”


Ang dalawang singer mula Visayas ang nakakuha ng pinakamataas na combined scores ng mga hurado at boto ng madlang people – 97.98% para kay Janine at 60.84% naman para kay Reggie. Nag-uwi ang dalawa ng P100,000.


Makakasama na sila sa umaatikabong bakbakan ng boses kontra ang iba pang grand finalists na sina Jovany Satera at Alfred Relatado ng Quarter 1, Anton Antenorcruz at Remy Luntayao ng Quarter 2, Tuko Delos Reyes at Sofronio Vasquez ng Quarter 3, at ang global grand finalists na sina Steven Paysu at Makoto Inoue.


Kahit pa man bigo, hindi pa tapos ang laban ng Quarter 4 semifinalists na sina Arabelle dela Cruz, Adelene Rabulan, Aljun Alborme, JM Bales, Christian Neil Bahaya, Douglas Dagal, at Arbie Baula na magpapatuloy sa ultimate resbak round. Makakasama rin dito ang dating semifinalists na si Aila Santos mula Quarter 1, Mark Michael Garcia, Rico Garcia, at John Raymundo ng Quarter 2, Ato Arman, Lalainne Arana, at Boyet Onte ng Quarter 3, pati na ang global semifinalists na sina Penny Salcedo at Jing Wenghofer.


Mula sa kanilang performances sa ultimate resbak showdown na inipalabas online, nailuklok ng mga hurado si Douglas sa “seat of power.” Napili naman para maupo rito si JM sa pamamagitan ng text at online votes.


Sila ang dalawang resbaker na nabigyan ng pagkakataong pumili ng tig-isang ultimate resbaker para pagtapatin. Ang nananalo naman sa unang laban ang may karapatang humamon sa isa sa mga nakaupo sa “seat of power.”


Sa pagpapatuloy ng laban sa Lunes (Mayo 21), magpapatuloy pa rin sina JM at Doulas sa kanilang pananaig. Nagwagi si JM laban sa humanon sa kanyang si John, at tuluyan na ring naalis si Rico matapos siyang talunin ni John sa unang laban.


Mula ulit sa pinagsamang scores ng mga hurado at madlang people votes, malalaman kung sino ang magpapatuloy na maluklok, hanggang sa tanging dalawang ultimate resbaker na lang ang matira sa Sbaado (Mayo 26). Ang dalawang ito naman ang siyang kukumpleto sa huling tapatan o grand finals na magsisimula sa susunod na linggo.


Sino nga kaya sa kanila ang matitirang matibay hanggang grand finals?


Samantala, maaari ring mapanood online ang labanan sa Showtime.abs-cbn.com/Livestream.


Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Twitter, Instagram, at Facebook at bisitahin ang abscbnpr.com.