CrizVey promposal humakot ng 1.3M views

Viral ngayon sa TikTok ang Star Magical promposal ng rising love team nina Harvey Bautista at Criza, o CrizVey, matapos itong humakot ng 1.3 milyong views.

Umaapaw ang kilig ng netizens sa mala-fairytale na promposal ni Harvey kung saan siya mismo ang tumulong at nag-effort na sorpresahin si Criza ng isang romantic at enggrandeng dinner date.

Bukod sa CrizVey, inilabas na rin sa Star Magic YouTube channel ang iba pang nakakakilig na promposal videos nina Francine Diaz at Seth FedelinVivoree at Brent ManaloKei Kurosawa at Krstyl BallBeaver Magtalas at Mutya Orquia, Josh Worsley at Reich Alim, at Omar Uddin at Misha de Leon.

Dapat din abangan ng fans ang iba pang bonggang promposals ng Star Magic artists, pati na rin ang official soundtrack para sa Star Magical Prom na ilalabas sa mga susunod na araw.

Samantala, maaaring ipakita ng fans ang kanilang suporta para sa kanilang paboritong artista sa pagboto sa Star Magical Prom Royalty Awards sa KTX.ph kung saan mayroon itong apat na kategorya - Prom King and Queen, Noble Prince and Princess, Royal Prince and Princess, at Charming Prince and Princess.

Huwag palampasin ang Star Magical Prom at panoorin ang livestream nito sa Star Magic YouTube channel ngayong Marso 14 (Huwebes).