Star Magical Prom 2024 Gen Z stars

Muling nagsama-sama at napanood ng viewers ang isang fairytale celebration ng mga hit Star Magic Gen Z stars pati na ang iba pang bagong bituin nito sa "Star Magical 2024" nitong Marso 14 sa Bellevue Hotel.

Ilan nga sa mga nagtrending na rumampa sa Ivory carpet sina KD Estrada at Alexa Ilacad na nagbihis bilang Prince Eric at Ariel, sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang Beauty and the Beast outfit, Seth FedelIn at Francine Diaz bilang Cinderella at Prince Charming, si Xyriel Manabat na nagsuot ng isang sparkly gown, at sina Criza at Harvey sa kanilang interpretasyon ng prince at princess costume.

Bukod naman sa kaabang-abang na pagrampa ng mga artista sa Ivory carpet, tinutukan din ng manonood ang launch ng Star Magical Prom 2024 OST kabilang ang "Walang Hanggan" nina KD at Alexa, "Tunay" nina Francine at Seth, at "Believing in Magic" nina Alexa, Belle, at Francine.

Ipinakilala din ng Star Magic ang bagong set nila ng Rookies na sina Victoria Vega, Nicole San Juan, Bryce Andres, at Eliza Borromeo at New Artists na sina Yce Navarro, Emilio Daez, at Miggy Jimenez.

Tulad ng nakaraang taon, nagbigay din sila ng Royalty awards, Promposal awards, at iba pa.

Nasungkit nina Francine and Seth ang Most Viewed Promposal award, habang sina KD at Alexa ang nakakuha ng Best Promposal award. 

 

Sina Raiko Mateo at Tricia Gomez ang nanalo bilang Charming Prince at Princess, at sina Harvey Bautista at Dalia ang napiling Noble Prince at Princess. Nakuha nina Matthew Cruz at Anji Salvacion ang titulo bilang Royal Prince at Princess.

Tunay na memorable naman ang first prom magkasama nina KD at Alexa dahil hinirang sila bilang Prom King at Queen.

Maaari naman balikan ng viewers ang kaganapan at highlights ng "Star Magical 2024" sa YouTube channel ng Star Magic.