Gary V, bahagi na ng Star Magic family

Panibagong career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano matapos niyang pumirma bilang official artist ng Star Magic nitong Martes (Abril 16), kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 na taon sa industriya.

Labis ang pasasalamat ni Gary sa patuloy na tiwala ng ABS-CBN nang mapabilang siya sa Star Magic. Para sa kanya, isa umano itong ‘reinvention’ ng kanyang sarili matapos ang apat na dekada sa showbiz.

Gary V Star Magic

Nais naman ni Gary na sa pamamagitan ng Star Magic ay magsilbi siyang inspirasyon sa kabataan. Aniya, “I am into being able to mentor and spend time with younger people, especially with students. I went to various schools, colleges, and universities where I shared my life, and I am going to continue doing that. I have seen the impact on the hearts of these people, and that’s another thing I wanted to do.”

Gary V Star Magic

Maliban dito, inamin din ni Gary na bukas siya sa pag-aarte muli sa harap ng camera. Dagdag niya, “My doors are open for other artistic ventures. Like, I don’t mind going back into acting a bit more. If the right opportunity comes, I will certainly keep myself open to that.”

Gary V Star Magic

Sa loob naman ng 20 taon, nagsilbing Kapamilya si Gary bilang multi-awarded host at performer sa longest-running musical variety show sa bansa na "ASAP Natin 'To," pati naging boses sa likod ng mga theme song ng mga hit teleserye. Hindi rin matatawaran ang dedikasyon niya sa paghubog ng bagong henerasyon ng Kapamilya performers nang magsilbing celebrity mentor at judge sa talent shows na "X Factor Philippines," "World of Dance Philippines," "Your Face Sounds Familiar," "Idol Philippines" at "Tawag ng Tanghalan."

Sasama ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan Valenciano pati ang mga anak na sina Paolo at Kiana, pinasinayaan naman nina ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, at manager na si Alan Real ang naganap na pirmahan. Personal ding nag-abot ng kanilang pagbati sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak at chairman Mark Lopez bago ang pagsisimula ng event.

Gary V Star Magic

Naghatid din ng tribute performance sina Angela Ken, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sheena Belarmino, at Jed Madela, habang nagbigay rin ng kanilang pagbati ang 40 Star Magic artists sa kanilang all-star video message.

Panoorin ang mga kaganapan sa "The Magic of Pure Energy: Gary V Contract Signing":