Samahan natin si Darren Espanto na mag-search ng answers sa questions tungkol sa kanyang sarili! Ano kaya ang sagot ni Google?!
Magtatambal muli sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa "Lyric and Beat," ang pinakabago at orihinal na musical drama series ng iWantTFC na paniguradong magpapaawit at magpapaindak sa buong sambayanan simula Agosto 10.
Sasamahan ang SethDrea ng all-around performers na sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Sheena Belarmino, Jeremy G, Angela Ken, at Awra Briguela.
Bukod sa pagpapakilig ng SethDrea, makikita rin sa serye ang mga nakakabilib na pagtatanghal ng cast tampok ang musika ng tanyag na composer na si Jonathan Manalo.
Magsisimula ang serye sa kwento ni Lyric (Andrea), isang dalagang gustong maging isang sikat na mang-aawit tulad ng kanyang yumaong ina.
Matapos makapasok si Lyric bilang isang iskolar sa prestihiyosong Philippine National Conservatory of Music (PNCM), kung saan hinahasa ang mga pinakamahuhusay na mang-aawit sa bansa, kailangan niyang maging bahagi ng isang show choir at manalo sa paparating na pambansang kompetisyon. Ito ang kasunduan nila ng kanyang ama na si Jeff (Lito Pimentel) na hindi pabor sa ambisyon ni Lyric na maging singer dahil unstable ang karerang ito.
Sa PNCM, makikilala rin ni Lyric ang iba't ibang mga estudyante. Nariyan si Beat (Seth), isang introverted freshie, ngunit dahil sa impluwensya ni Lyric, na kanya ring pasikretong hinahangaan, ay nalampasan niya ang kanyang stage fright.
Makikilala rin ni Lyric si Jazz (Darren), isa sa pinakamagaling na mang-aawit sa PNCM at ang pinuno ng Prime Belters choir at si Cadence (AC), ang matalik na kaibigan ni Jazz na gustong pasiglahin ang show choir sa pamamamagitan ng pagsasayaw.
Magkukrus din ang mga landas ni Lyric at ng iba pang mga karakter tulad nina Grae (Kyle), ang pinuno ng School for Modern Pop, ang karibal na paaralan ng PNCM; Melissa (Sheena), ang kapatid ni Jazz na isa ring magaling na mang-aawit pero tinaguriang resident mean girl sa paaralan; Stevie (Jeremy), isang mang-aawit na nagkakaroon lang ng kumpiyansa kapag kumakanta; Virlyn (Angela), isang mahusay na performer na marunong tumugtog ng kahit anong instrumento; at Unique (Awra), isang performer na tinanggihan ng Prime Belters dahil sa kanyang gender identity.
Kilalanin sina Lyric, Beat, Jazz, Cadence, Grae, Melissa, Stevie, Virlyn, Unique at tunghayan ang kanilang kwento sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng libreng pag-stream ng “Lyric and Beat” sa iWanTFC app (iOS and Android) at website (iwanttfc.com) sa Pilipinas at Indonesia. Mapapanood din ito ng mga premium user sa iba't ibang parte ng mundo simula Agosto 10.