“Since I Found You,” namayagpag kontra bagong katapat


Ang kilig na hatid ng “Since I Found You” pa rin ang mas tinutukan ng mga manonood noong Lunes (Mayo 21) kumpara sa bago nitong katapat, kaya naman nanatili ang pamamayagpag nito sa national TV ratings.


Nagkamit ang Kapamilya serye ng national TV rating na 18.7%, laban sa “Inday Will Always Love You” na nakakuha lang ng 14.1%, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang mga rural at urban na kabahayan sa bansa.


Sa episode ng serye noong Lunes, muli nang nagkita si Nathan (Piolo Pascual) at ang assistant niyang si Janice (Alessandra De Rossi) matapos ang matagal na panahong pamamalagi niya sa isang malayong bayan upang makaalis sa paghihirap na kanyang dinaranas dahil sa nadiskaril niyang proyekto.


Ngunit hindi pa natatapos ang mga pagsubok dahil patuloy pa rin ang paninira ni Ginno (JC De Vera) sa kanya sa publiko ngayong siya na ang magpapatuloy ng palpak na proyekto ni Nathan.


Pero sa kabila ng matinding laban, pipiliin pa rin ni Nathan na magpakalayo mula sa lahat, lalo na sa minamahal niyang si Dani (Arci Munoz) upang hindi na rin ito madamay sa kaguluhan na maaaring maganap sa kanyang buhay.


Paano nga kaya makakabangon si Nathan mula sa mga pagsubok?


Panoorin ang “Since I Found You” gabi-gabi sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang abscbnpr.com.