• MONDAY-FRIDAY AFTER LOVE THY WOMAN
  • MONDAY-FRIDAY AFTER LOVE THY WOMAN
Aljur at Ejay, isang pamilyang lalaban sa huling linggo ng “Sandugo”

Magkakaisa bilang magkadugo sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica sa paghahanap nila ng hustisya para sa kanilang ama sa huling linggo ng haponseryeng “Sandugo.”

Matapos isakripisyo ni Eugene (Ariel Rivera) ang buhay niya para kay Leo (Aljur), sisisihin ni JC (Ejay) ang kapatid dahil ito ang nagdala papalapit sa kaaway ng ama nilang si Ulysses (Gardo Verzosa).

Sa walang-tigil na paghingi ng tawad ni Leo dahil sa nangyari, mangangako ito na gaganti kay Ulysses at tetestigo laban sa sindikato niya—kahit pa ang kapalit ay siya mismo ang makukulong.

Maiipit din si Cordelia (Vina Morales) sa away ng kanyang asawang si Ulysses at anak-anakang si Leo, lalo pa’t alam niyang hindi titigil ang kanyang asawa hangga’t sa isa na lamang sa kanila ang matitirang buhay.

Sa pagkilos naman nina JC at Leo upang mapabagsak nang tuluyan ang sindikato, idadamay ni Ulysses si Joan (Cherry Pie Picache) at ang mapapangasawa ni Leo na si Grace (Elisse Joson) sa kanyang masasamang balak.

Ang “Sandugo” ay mula sa direksyon nina Darnel Joy R. Villaflor at Ram Tolentino at produksyon ng Dreamscape Entertainment. Tampok din dito sina Jessy Mendiola, Arlene Muhlach, Cogie Domingo, Dido Dela Paz, Jeric Raval, Maika Rivera, Mark Lapid, Nanding Josef, Ali Abinal, Reign Parani, Karina Bautista, Aljon Mendoza, at Ogie Diaz.

Sundan ang huling mga tagpo ng sakripisyo, kapatawaran, at pagmamahal sa pamilya sa nalalapit nitong pagtatapos ng “Sandugo,” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, sundan lamang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).