Matapos matanggal sa kanyang role si Patrick (Markus Paterson) bilang si Rome sa kanilang school play, sinabi ni Emily (Anna Vicente) na mas okay na raw ang nangyari dahil palagi na silang magkakasama. Sinabi pa ni Emily na boring kasama ang mga kaibigan ni Patrick at makakasira lamang ito sa image niya.
Dito nagalit si Patrick at sinabing tumigil na siya sa pagsasalita ng masama sa mga kaibigan niya. Pinagtanggol niya ang kanyang mga kaibigan na kanyang tinalikuran para kay Emily. Na-realize ni Patrick na hindi tama na binago niya ang kanyang sarili para lang magustuhan ni Emily.
Laking gulat at hindi makapaniwala si Emily nang biglang makipag-break si Patrick sa kanya.
Inisip ni Emily na si Tads (Ylona Garcia) ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Patrick kaya sinugod niya ito at sinabihann g ‘loser’ sabay buhos ng juice sa kanyang ulo.
Mapapanood na ang inyong favorite Kapamilya shows nang LIVE sa ABS-CBN Entertainment Facebook at YouTube!