Pinaalala ng tatay ni Martin (Richard Yap) na si Miguel (Boboy Garovillo) na mayroon na lamang siyang dalawang buwan sa tatlong buwang palugit na binigay ng board sa kanya para makumbinsi si MommyLa (Pilita Corrales) na ibenta ang Tagpuan. At kung hindi niya magawa ito, iboboto si Steve bilang bagong Chairman ng Board.
Sinabi rin ni Miguel na kung hindi kaya ni Martin ay siya na lang ang gagawa nito. Magagawa naman daw ito ni Martin, basta’t makausap niya lang si MommyLa at ang kanyang mga anak.
Napansin naman ni Miguel na tila lumalambot na ang kanyang anak para kay Mona kaya naman pinaalala nito ang pagsisinungaling at pagpapahiya na ginawa nito sa kanya nang lokohin siya nito. Ipinagdiinan din ni Miguel kay Martin na hindi si Lisa si Mona.
Mapapanood na ang inyong favorite Kapamilya shows nang LIVE sa ABS-CBN Entertainment Facebook at YouTube!