Muling nagkausap sina Tinay (Miles Ocampo) at Lisa (Jodi Sta. Maria) matapos ang pag-alsa balutan ng una dahil sa hidwaan nilang dalawa. Binigyan ni Lisa bagong mug si Tinay kahit alam naman niyang hindi niya mapapalitan ang tasang binigay ng nanay nito sa kanya.
Sinabi rin ni Lisa na hindi niya na hihilingin kay Tinay na magustuhan siya nito bilang asawa ng kanyang Kuya Leo (Robin Padilla) o bumalik sa dati ang kanilang samahan. Hiniling na lamang ni Lisa na maging maayos ang pakikitungo nilasa isa’t isa para kay Leo. Ayon naman kay Tinay ay plano rin niyang makipagkasundo kay Lisa alang-alang kay Leo.
Mapapanood na ang inyong favorite Kapamilya shows nang LIVE sa ABS-CBN Entertainment Facebook at YouTube!