Pinuntahan ni Mona (Jodi Sta Maria) si Martin (Richard Yap) sa opisina nito para linawin kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.
Nalaman niya mula kay Oyo (Bayani Agbayani) na pumunta si Martin kay Lisa (Jodi Sta. Maria) para pag-usapan ang ‘natitirang feelings’ nito sa kanya.
Sinubukang tawagan ni Martin si Mona nang paulit ulit ngunit ayaw siya nitong kausapin sa pag-aakalang mahal pa rin ng una si Lisa.
Sinundan ni Martin si Mona sa terminal ng bus at inikot ang buong lugar upang hanapin ito. Nang marinig ang boses ni Martin na sumisigaw ng Mona “Pasaway” Bulalayao ay bumaba si Mona sa sinasakyang bus at hinarap ito. Habang inaaway siya ni Mona ay bigla na lamang siyang hinalikan ni Martin sa gitna ng maraming tao.
Nagulat si Lisa sa ginawa ni Martin, hinampas niya ito at kaagad na tinalikuran. Galit nitong sinabi kay Martin na ginawa lamang siya nitong panakip-butas dahil apektado pa rin siya at may nararamdaman pa kay Lisa.
Sa gitna ng paglabas ng sama ng loob ni Mona ay napatigil ito nang sabihin ni Martin sa kanya na “I love you.” Dito na rin pinaliwanag ni Martin ang dahilan kung bakit niya pinuntahan si Lisa. Inamin ni Martin na noong una pa lamang at alam niyang si Mona na ang tinitibok ng kanyang puso.
Labis ang galak at kilig ni Mona nang marinig ang pag-amin ni Martin sa kanyang tunay na nararamdaman sa kanya at sinabi niyang mahal niya rin niya ito.
Mapapanood na ang inyong favorite Kapamilya shows nang LIVE sa ABS-CBN Entertainment Facebook at YouTube!