Pinuntahan ni Martin (Richard Yap) si Lisa (Jodi Sta Maria) para makipag-usap dito.
Nilinaw ni Martin na hindi na siya galit kay Lisa at sinabing nabigla lamang ito sa mga nangyari sa kanila.
Muli ring humingi ng kapatawaran si Lisa sa nagawa nitong panloloko kay Martin. Tinanggap naman ito ni Martin at pinatawad na si Lisa. Nag-sorry din si Martin kay Lisa dahil sa pagpilit nito sa engagement kahit alam niyang hindi naman ginusto ni Lisa.
Nagkamayan at nagkasundong magiging magkaibigan sina Lisa at Martin. Masaya silang nagyakapan nang mahigpit matapos magka-ayos.
Mapapanood na ang inyong favorite Kapamilya shows nang LIVE sa ABS-CBN Entertainment Facebook at YouTube!