PBB hosts & Sexbomb Girls Rainbow Rumble

Kinataba ng puso ng Pambansang Host na si Luis Manzano ang classroom version ng “Rainbow Rumble” na ginawa ng school teacher na si Alfe Iglesia mula sa Agusan Del Sur para ma-engganyo lalo ang kanyang mga estudyante.

"Kapag ‘yung game show mo ay ginagamit to teach and for learning purposes, ibig sabihin may ginagawa kang tama. Napakalaking bagay sa amin yun," sabi ni Luis.

Nagpasalamat siya kay Alfe dahil naisip nitong gamitin ang pinakabagong game show ng ABS-CBN bilang isang epektibong diskarte sa pagtuturo niya.

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Alfe kung paano nakatulong ang format ng laro sa paghahatid ng kanyang mga aralin sa Ingles. Nagpapasalamat din siya dahil kinilala ng palabas ang kanyang efforts para mas pag-igihan ang pagtuturo sa mga bata. 

Gaya ni Alfie, parami nang paraming netizens ang pumuri sa show dahil sa pagiging informative nito pati na rin sa sayang dinadala nito tuwing weekend. Pinuri rin nila ang galing ni Luis sa pagiging host.

Samantala, patuloy ang pagbibigay-saya ng “Rainbow Rumble” sa mga manonood noong weekend (Setyembre 14 at Setyembre 15) tampok ang “Pinoy Big Brother” hosts na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Bianca Gonzales, Enchong Dee at Robi Domingo at Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan, Izzy Trazona-Aragon, Monic Icban-Diamante, Mae Acosta-Valdez, at Mhyca Bautista na sumubok sa mga nakakatuwang challenges. Nakakuha ng kabuuang 491,249 combined peak concurrent viewers ang dalawang episode.

Maki-sagot na sa tanong at alamin kung sweswertihin kaya ang Rumblers sa susunod na weekend. Patuloy na panoorin ang "Rainbow Rumble" tuwing Sabado at Linggo, 7:15PM, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z, at 8:15PM sa TV5.