Team Payaman on Rainbow Rumble

Maswerte ang kauna-unahang paglalaro ng ABS-CBN reporter na si Raphael Bosano sa isang TV game show matapos maiuwi ang P1 milyon na premyo bilang unang Rainbow Rumble Master.

Inamin ni Raphael na na-challenge siya sa kapwa niyang reporter na si MJ Felipe na muntik pa siyang unahan sa elimination round na "Rally To The Top."   Maswerte lang niyang unahan itong makuha ang tamang kulay sa die roller machine at masagot ng tama ang tanong ni Luis Manzano kaya naman nakakuha siya ng karagdagang P70,000 at umusad sa jackpot round. Samantala, naiuwi pa rin naman nina MJ, Ganiel Krishnan, Migs Bustos, at Dennis Datu ang mga nakuhang premyo sa elimination round.

Umayon din sa panig ni Raphael ang mga die roller machine sa jackpot round matapos niya makuha ang anim na unique colors na kinakailangan sa loob ng isang minuto para mauwi ang isang milyong piso. 

Grupo ng Team Payaman hindi swinerte manalo sa Rainbow Rumble  1

Samantala, noong Linggo naman ay napuno ng tawanan ang "Rainbow Rumble" sa pagsabak ng "Team Payaman" members na sina Krissy, Bok, Yow, Steve, at Dudot. Nanguna man si Dudot sa elimination round ay nagkulang ang dala niyang swerte at nakuha lamang ang apat na kulay na kinakailangan sa Rainbow Reveal. Nag-uwi siya ng P87,000.

Maki-sagot na sa tanong at alamin kung sweswertihin kaya ang rumblers sa susunod na weekend. Patuloy na panoorin ang "Rainbow Rumble" tuwing Sabado, 7:15PM, at Linggo, 8:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.