Albie, mas ililigaw ang mga puso sa “Pusong Ligaw”

Pasok na sa afternoon teleserye na “Pusong Ligaw” ang aktor na si Albie Casino bilang si Leon, ang lalaking aakalaing nawawalang anak nina Tessa (Beauty Gonzalez) at Caloy (Joem Bascon).

Mukhang maliligaw ng landas ang paghahanap ni Tessa sa kanyang tunay na anak lalo pa’t pareho ito ng sinapit kay Leon. Tulad kasi ni Rafael ay napulot lang din si Leon noong mag-iisang taong gulang lamang ito.

Kaya naman kahit wala pang sapat na patunay ay unti-unting nabulag ni Jaime (Raymond Bagatsing) si Tessa sa katotohanang si Leon na nga ang nawawalang anak nito. Gagamitin naman ng walang malay rin na si Leon ang pagkakataon para magkapera at mabayaran ang kanyang mga utang.

Samantala, nakarating na rin kay Marga (Bianca King) ang balitang nahanap na si Rafael. Ano kaya ang gagawin ni Marga para maitago ang nalalaman kay Caloy? Hanggang kailan magiging mailap ang katotohanan kay Tessa?

Huwag palampasin ang mas umiinit pang mga tagpo sa “Pusong Ligaw” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.