Sa isang comedy bar unang nag-krus ang landas nina Marlon (Zanjoe Marudo) at Patty (Angelica Panganiban).
Inimbitahan ni Ato (Kean Cipriano) sa Laugh All You Can Comedy Bar si Marlon para mag-unwind. Nandoon naman si Patty kasama ang bestfriend na si Emily (Denise Laurel) at asawa nito na si Brad (Patrick Garcia). Dito nagbuhos ng sama ng loob si Patty sa mga kaibigan tungkol sa failed relationship niya.
Nakakarami na ng nainom na alak si Patty nang bigla siyang tawagin sa stage para umawit ng “Mahal Pa Rin Kita.” Pinapanood naman siya ni Marlon na umiiyak habang kumakanta. Nang tanungin ng mga stand up comedians si Patty kung bakit siya umiyak, sinabi nitong naalala niya ang kanyang ex-boyfriend.
Nang maghanap ng guwapo at matangkad mula sa audience, namataan nila si Marlon. Tinawag siya sa entablado at kinausap ng mga komedyante kasama si Patty. Tungkol sa pag-ibig ang naging topic ng usapan.
Itinanggi ni Patty na shunga (tanga) siya sa pag-ibig at sinabing wagas lamang daw siyang magmahal. Ibinahagi naman ni Marlon na dalawang taon bago siya nakapag-move on sa hiwalayan nila ng kanyang exgirlfriend kahit isang taon lamang silang naging magkarelasyon.
Inihalintulad pa ni Marlon ang pag-ibig sa isang rugby na mabilis dumikit, matindi kumapit kaya mahirap maipit. Sinang-ayunan ito ni Patty. Dagdag nito, wala namang batas na nagsasabi na kapag maiksi ang relasyon ay mabilis ka nang makaka-move on. At para kay Marlon, dapat maging palaban sa buhay lagi.
Pagkatapos ng kanilang interview ay bumaba na silang dalawa at bumalik sa kanilang kani-kanyang upuan. Inalalayan pa ni Marlon si Patty pagbaba na nagpakilig pa sa mga manonood.
Pauwi na si Marlon at pabukas na ng kanyang kotse nang lumabas si Patty mula sa bar na lasing na lasing at sumuka.
Inabutan siya ni Marlon ng panyo at tinanong kung okay lang siya ngunit sinagot siya ni Patty ng isa ring tanong, na kung bakit ang mga lalake ay manloloko. Walang tigil si Patty sa pagsasalita laban sa alaking nakasakit sa kanya. Kapag nanliligaw daw ang isang lalake, parang santo raw ito ngunit kapag nakuha na ang gusto nila ay para na silang sinaniban ng masamang espiritu.
Sinabi naman ni Marlon na may alam siyang isang paraan para makapag-move on na si Patty.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv