How did Jerome’s first day at Big Brother’s house go?

Sa pagpasok ni Jerome Ponce sa Bahay ni Kuya bilang house guest ay inamin nito na mahal pa rin niya ang ex na si Elisse Joson. Bukod pa rito ay ikinuwento rin ng aktor ang naging love story nila ng commercial model.

Panuorin ang rebelasyon ni Jerome rito:

Matapos nito ay inatasan ni Kuya si McCoy de Leon, ang housemate na tinutukso kay Elisse, na tulungan si Jerome na makapasok sa loob ng Bahay ni Kuya nang hindi nalalaman ng mga housemates.

Ngayong Lunes ng gabi, matagumpay na ngang nakapasok sa boys’ bedroom si Jerome nang walang nakakaalam. Nang matutulog na ay nagtabi pa sila ni McCoy sa kama. Tanging ang mga boys lang ang nakaalam sa presensya ni Jerome sa loob ng bahay.

Patuloy naman sa pag-asikaso si McCoy kay Jerome na panay ang silip sa pintuan sapagkat hindi siya makalabas.

At dahil kailangan ni Jerome maligo at gumamit ng banyo ay nagkunwaring naaksidente si McCoy at nabagok ang ulo para mapunta ang atensyon sa kanya ng mga housemates. Nag-alala naman ni Elisse rito na sinuotan pa siya ng medyas.

Nagkaroon naman ng pagkakataong lumabas ng kwarto si Jerome nang piringan ang mga girls for four hours alinsunod sa isang task. Ani ni Jerome, masaya siyang makita si Elisse. Si McCoy naman ang umaalalay sa dalaga.

Samantala, nagbabalik naman si JK na kinausap ni Big Brother sa confession room. Ngunit bago siya opisyal na makabalik sa loob ng bahay ay kailangan mahulaan muna ng mga girls na may piring sa mata sina JK at Jerome gamit ang sense of touch. Parehas nahulaan nina Yassi at Jinri si JK ngunit hindi nahulaan si Jerome.

Sa teaser para sa episode bukas, Agosto 2, ay sinabi ni Elisse na pakiramdam niya ang taong nahawakan niya ay si Jerome which is tama. Pero, ano nga ba ang magiging reaksyon ng dalaga ‘pag nalaman niyang tama ang hinala?

‘Wag itong palagpasin sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi gabi sa ABS-CBN.