Celebrity housemates return to the Philippines
Bumalik na sa Pilipinas ang mga celebrity housemates na tumira sa Bahay ni Kuya sa Vietnam.

Pagkabalik nila ng bansa ay binigyan sila ng pagkakataon ni Big Brother na makasama ang kani-kanilang mga pamilya. Eventually ay sinundo rin sila ng mga PBB hosts sa kanya-kanya nilang mga bahay para maghanda sa kanilang pagpasok muli sa Big Brother house dito sa Pilipinas. Kasama na muli ng mga housemates na papasok si Jinri na pansamantalang lumabas ng Bahay ni Kuya sa Vietnam ahead ng lahat. Samantala, hindi nila kasabay pumasok si JK na may special task.

Through video message ay nagpasalamat naman si Thuy na kasalukuyang nasa California, USA sa mga housemates. Dahil napagtagumpayan nila ang mga Big Tasks ni Kuya, naging opisyal na siyang regular housemate na papasok sa PBB house sa takdang panahon.

Marami pang exciting na sorpresa si Kuya. Manood lang ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Born For You, Sabado pagkatapos ng Maalala Mo Kaya at Linggo pagkatapos ng Rated K.