Heaven gets to talk to her cancer-stricken mother through the help of Maymay and Marco

Dahil napagtagumpayan nina Maymay at Marco ang kanilang special task ay makakausap na ni Heaven ang kanyang ina na may kanser.

Pinatawag ni Kuya si Heaven sa confession room. Walang itong kamalay-malay sa special task nina Maymay at Marco kung kaya naman ay naiyak siya ng ipakita ni Big Brother ang isang video ng kanyang ina na bumabati.

Ani ni Heaven, gusto niya raw malaman kung okay na ang kanyang ina sapagkat noong pumasok siya sa PBB ay nasa ospital daw ito.

Laking gulat naman niya ng pumasok ang kanyang ina sa loob ng confession room. Binigyan sila ni Big Brother ng 100 seconds para makapag-usap. Ginamit naman ng mag-ina ang pagkakataon na ito para magkamustahan, magyakapan at punuin ang isa’t isa ng halik.

Nang matapos ang kanilang 100-second encounter, sobrang nagpasalamat si Heaven kay Big Brother. Ipinaalam naman ni Kuya na ang oportunidad na ito ay naging posible sa tulong ng dalawang housemates. Nahulaan naman ni Heaven kung sino sila agad.

‘Pag kalabas niya ng confession room ay nagpasalamat siya agad kina Marco at Maymay.

Anu-ano pa kayang sorpresa ang naka-abang sa mga teen housemates? Manood parati ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi-gabi sa ABS-CBN.