Why DJ ChaCha and Hideo felt emotional in one of their tasks

Sa pangatlong araw ng mga celebrity housemates sa Vietnam Big Brother house, nakumpleto na sila at ito rin ang araw kung saan dumami ang kanilang mga task. Isa rito ay turuan ang mga Vietnamese kids kumanta ng “May Tatlong Bibe” sa ibang lenggwahe.

Kinausap ni Kuya si DJ ChaCha at kinamusta siya. Naiyak na lamang ang Ang Bibig ng Pag-ibig ng Tondo at saka sinabing nami-miss na niya ang anak niya. Hiwalay si DJ ChaCha sa ama ng kanyang anak at siya nasa kanyang custody ang bata. Kampante naman siya na maiwan muna ang kanyang anak dahil kasama naman daw niya ang kanyang magulang.

Ang bagong dating na housemate na si Hideo Muraoka naman ay naalala rin ang kanyang 6-year old daughter na si Daniella nang makita ang mga bata sa loob ng bahay. Naging emosyonal rin siya nang ikuwento ito kay Kuya.

Watch: PBB7 Day 3: Chacha at Hideo, naging emosyonal nang maalala ang kanilang mga anak

Matapos kaya nila ang lahat ng task ni Kuya? Abangan sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights after Born For You sa ABS-CBN.