Mga housemates, tumanggap ng iba’t ibang hamon mula kay Kuya

Nagtagumpay ang mga celebrity housemates sa pagpapalaya kina JK, Jinri at Hideo kung kaya naman ay walang uuwi sa kanila.

Binigyan naman ng panibagong task ni Kuya ang 2-in-1 housemates na sina McCoy at Nikko. Parehong miyembro ng grupong Hashtags ng It’s Showtime, inatasan sila na magsuot ng isang malaking t-shirt na may nakasulat ng Hashtags. Maari lamang nila itong hubarin para maghiwalay kapag gagamit ng banyo.

Haharap na naman ang mga housemates sa isang panibagong hamon. Ani ni Kuya, may pitong teen housemates na nais pumasok ng kanyang bahay ngunit, isa lang ang magtatagumpay rito na siyang pipiliin ng mga housemates. Dagdag pa ni Kuya, makakapasok lang ang teen housemate kung lima sa pitong tasks ang mapagtatagumpayan nila. Kung lumagpas sa lima ay magkakaroon pa sila ng bonus prize.

Samantala, binigyan ni Kuya ng tsansang makapasok ang 23 anyos na si Thuy sa kanyang bahay. Sa pagkukwento ng kanyang buhay, nagpag-alaman na Vietnam refugees ang kanyang mga magulang. Pinanganak siya sa Palawan kung saan napadpad ang kanyang ina. Natira rin silang mag-anak sa Tacloban, Leyte for 12 to 13 years. Isang Vietnamese celebrity ang tumulong sa kanila upang makapunta sa US kung saan siya nakapagtapos ng nursing at nag-audition para sa PBB.

Buong pag-aakala ng mga housemates na Vietnamese Big Winner si Thuy at hindi marunong mag-English o mag-Tagalog. Pero, kung magtatagumapayan ng mga housemates ang mga tasks na ibibigay ni Kuya ay magiging opisyal na housemate na si Thuy na sasabay sa pagpasok ng mga regular housemates.

Nagtuloy tuloy pa ang mga hamon para sa mga housemates. Inatasan sila ni Kuya na itranslate ang kantang Tatlong Bibe sa English upang ituro sa mga batang Vietnamese. Matapos nila itong mapagtagumpayan ay inatasan naman ni Kuya na turuan ni Thuy si Elise ng Tatlong Bibe Vietnamese version, si Jinri kay Chacha ng Korean version, si JK kay Yassi ng Bisaya version at ang Brapanese na si Hideo sa mga Hashtags. Napagtagumapayan naman nila ito kung kaya’t masayang masaya sila.

Ano pa nga ba ang iba’t ibang mga tasks na ibibigay pa ni Kuya? Alamin ‘yan sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights pagtapos ng Born For You.