What made Nonong’s task special for him?

Nakilala si Nonong Ballinan dahil sa angking husay niya sa pagpapatawa at ngayong parte na siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 Celebrity Edition, muli nanamang masusubukan ang skills niya sa comedy. Ikinuwento ni Nonong na noong siya’y nag-aaral pa lamang, hindi niya alam na sa komedya siya mapupunta. Kumuha ng kursong nursing si Nonong ngunit ‘di niya ito gusto kinalaunan ay lumipat siya sa kursong Computer Engineering na hindi niya tapos hanggang siya’y naging comedy writer.

Natuwa naman si Kuya sa kanyang kuwento at sa layo na ng narrating niya sa career na napili niya kung kaya’t binigyan siya ng task na mag stand-up comedy. Na excite si Nonong at tinanong kung puwede ba niyang gamitin ang PBB joke niya. Noong sumali siya sa Funny One segment ng “It’s Showtime,” ginamit niya itong piece ngunit espesyal ngayon ito para kay Nonong dahil totoong boses na ni Kuya ang magagamit.

Nang gawin na ito ni Nonong, naging emosyonal ito nung una pero dahil sa paghikayat ng iba pang housemates ay itinuloy niyang mag joke hanggang sa malagpasan niya ito. Nang kausapin ni Kuya, sinabi niyang dream come true ito para sa kanya.

Panoorin ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights pagtapos ng Born For You.