Is there something between housemates McCoy de Leon and Elisse Joson?

Sa unang araw ng pagpasok ng mga celebrity housemates sa Big Brother house Vietnam, kapansin-pansin nang iba ang titig ng Hashtag member na si McCoy de Leon sa Hugot Babe ng Mandaluyong na si Elisse Joson.

Day 2 na ng kanilang pagsasama ay kailangan ni Elisse ng suklay. Sinabi naman ni Nikko na may suklay si McCoy. Pagkuha ni McCoy ng suklay naniguro pa siya at nilinis muna ang suklay.

Sabi nga ni Toni Gonzaga, “What is the meaning of this?” May namagitan nga ba sa dalawa? Abangan ang mga kaganapan sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights after Born For You sa ABS-CBN.