JK Labajo, nagtampo matapos ma-nominate

Na attach lamang si JK sa mga celebrity housemates kaya mahirap tanggapin na siya ay na nominate agad.

Matapos malaman kung sino ang mga nominado, pumasok sa loob ng Boys’ room ang celebrity housemate na si JK Labajo at saka sinubukang mag impake. Isa si JK sa apat na nominado sa 1st nomination night ng Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.

“I really expected that pero nagulat parin po ako,” pag-amin niya kay Big Brother.

Pumasok naman si Hideo sa loob ng room at saka kinausap na wag na munang mag impake at kung gusto niyang umiyak ay okay lang wag lang siyang maglagay ng ‘negative thoughts.’
Niyakap ni JK si Hideo at hindi napigilang maiyak.

Sa huli, si Hideo na natalo sa “LigTask” challenge ang dapat na unang lalabas ng bahay ngunit nag voluntary exit na si DJ Chacha dahil miss na rin niya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang anak.

Patuloy na subaybayan ang storya ng mga celebrity housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 weeknights, after Born For You at tuwing Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.