FULL VERSION: PBB Lucky Season 7 Titig ng Pag-ibig


 

Magaganap na ang pinakaunang three-day live drama sa telebisyon simula ngayong gabi (Feb 23) sa “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” ng ABS-CBN.

Sa ilalim ng direksyon ng batikang direktor na si Rory Quintos, ang drama series na pinamagatang “Titig ng Pag-ibig” ay live na mapapanood tampok ang Dream Team housemates na sina Maymay bilang Ikay, Edward bilang Aren, Elisse bilang Kim, Mccoy bilang si Alec, Cora bilang Carla, Kisses bilang Baby, Nikko bilang Beejay, Tanner bilang Mike, at Yong bilang si Andrew.

Matindi ang hamon na ito sa natitirang housemates ni Kuya dahil sa loob ng maikling panahon ay kailangan nilang maging ganap na mga artista at maibigay ang hinihinging emosyon at linya ng mga eksena na walang cut o take two.

Ang Live Drama task ay kakatawan sa ikatlo, ikaapat, at ikalimang Dream Team challenge, kung saan kinakailangan nilang manalo ng tatlo sa limang tasks na ibibigay ni Kuya. Ito ang magiging basehan para matukoy kung pito o tanging apat lang sa kanila ang aabot sa inaabangang “PBB Big Night.”

Matatandaan na nagwagi ang housemates sa unang task ni Kuya na Golden Balls samantalang natalo naman sila sa pangalawang task na Champagne Glass Tower. Kaya kailangan pa nila ng dalawang panalo para siguradong pito sa kanila ang lalaban para sa pagkakataong hiranging Big Winner.

Mapagtagumpayan kaya ito ng Dream Team housemates?

Sa nakaraang labing-isang taon, nanatili ang “Pinoy Big Brother” bilang isa sa pinakapanood na programa sa bansa, consistent top trending topic sa social media, at most viewed reality show online via iWant TV.

Walang sawang tumutuok ang mga Pilipino sa loob at labas ng bansa sa kwento ng totoong buhay ng housemates na hindi lang nagpakatotoo, kung hindi patuloy ding kinikilala at pinagiibayo ang sarili.

“Tinuruan ako ni Kuya para ma-open ang puso ko sa mga kasama ko,” sabi ni Kisses.

“Napa-realize sa akin ni Kuya kung paano mo titimbangin ang mga gusto mo sa buhay--- pamilya o pangarap,” saad ni Edward

Pagdating naman sa pagharap sa mga hamon ni Kuya, kapansin pansin din ang kanilang dedikasyon at determinsasyon na nagsisilbing inspirasyon sa mga manonood.

“Kung mangangarap ka, matutupad iyon kasi ginagawa mo best mo” sabi ni Maymay.

“May satisfaction rin kasi sa sarili kapag ginagawa mo lahat ng makakaya mo,” dagdag ni Cora.

“Magiging worth it lahat ng aming pagd, kasi may napupuntahan,”sabi naman ni Mccoy.  

Huwag palalampasin ang huling dalawang linggo ng “Pinoy Big Brother Lucky Season 7,” Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “A Love to Last” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Mapapanood din ang “Pinoy Big Brother Lucky Season 7” sa “Pinoy Big Brother Season 7 Online Show,” Lunes hanggang Biyernes, 7PM sa www.pinoybigbrother.com. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @PBBabscbn sa Twitter, @pbbabscbntv sa Instagram o i-like ang https://www.facebook.com/PBBabscbntv/.