McCoy de Leon makes a sacrifice for the girl housemates

Pagpasok ng celebrity housemate na si McCoy de Leon sa loob ng confession room, tila naawa siya sa mga girl housemates na walang makain sa loob ng bahay ni Kuya. Tinanong naman siya kung ano ang kaya niyang gawin upang magkaroon sila ng chips. Nung una ay sinabi niyang kaya niyan hindi maligo ng isang araw para sa kanila.

Umabot ang kanilang pagkakasunduan sa tatlong araw na hindi pagligo ni McCoy at ang kapalit ay isang chips. Umalma naman si McCoy at nag request na tig-iisang chips nalang ang mga female housemates pero tatlong araw parin siyang hindi maliligo.

Natuwa at na touch naman sina Elisse, Jinri at Yassi nang inabot ni McCoy sa kanila ang chips. Kamakailan lang ay nabigyan rin si McCoy ng special task at iyon ay makapasok ang house guest na si Jerome Ponce sa loob ng bahay ng hindi alam ng mga female housemates.

WATCH:

Subaybayan ang iba’t-ibang task na gagawin ng mga celebrity housemates gabi gabi sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7, weeknights after Born For You sa ABS-CBN.