Mapagtagumpayan kaya ni Maymay ang secret task para makapag-usap sina Heaven at ang kanyang Ina?

Binigyan ng chance ni Big Brother na makausap ni Heaven ang kanyang ina na may cancer sa tulong ni Maymay na nabunot si Marco upang maging katulong niya sa secret task na ito. Hindi alam ni Heaven ang tungkol dito.

Misyon ni Maymay na malagyan siya ng lotion ni Heaven sa katawan at mukha na nagawa naman nito. Kailangan din siyang maturuan ni Marco ng lyrics sa lullaby na Rock-a-bye-baby para patutulugin niya si Heaven sa pagkanta niya nito. Unfortunately, hindi alam ni Marco ang lyrics ng kanta.

Matapos pasimpleng magpaturo ni Marco kay Edward ng lyrics ay tinuro na niya ito kay Maymay ngunit maraming mali. Buti na lang ay pasimpleng kinumpirma rin ni Maymay kay Edward ang lyrics at nakuha naman niya ito ng tama. Sa huli ay nagtagumpay siya sa pagpapatulog kay Heaven habang kumakanta ng lullaby.

Ngunit bago tuluyang makapag-usap sina Heaven at ang kanyang ina, mayroon pang dapat gawin si Maymay. Alamin yun bukas sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, pagkatapos ng Born for You.