Yassi gets emotional as she greets her dad a happy birthday

Binigyan ni Kuya ng pagkakataong makausap ni Yassi ang kanyang ama na magcecelebrate ng 87th birthday. Naiyak naman si Yassi na kinuwento na mahilig ang ama sa hats pagkat ito’y may skin cancer at hindi pwede sa araw.

Para sa handa ng kanyang daddy, nagrequest si Yassi ng cake at ng ingredients para magluto ng spaghetti.

Sa tulong ng mga housemates, Yassi got to perform the song, Grow Old With You. Naghanda rin sila ng “Happy Birthday” banner para sa kanyang ama. Nagpasalamat si Yassi sa ama para sa lahat, “Thank you so much for being everything I need… For everything you taught me… For being my stepping stones… My wings… I love you so much and stay happy all the time.”

Habang kumakain ng inihanda ni Yassi na spaghetti ay ipinatawag ito sa confession room para makausap na ang ama. Naiyak naman si Yassi nang maka-video chat ang kanyang daddy na si Ronald Pressman.

Ani ng kanyang daddy, he is happy na makausap ang kanyang anak. Inexpress nito kung gaano niya kamahal si Yassi. Ito pala ang unang birthday niya na hindi sila magkasama. Miss na miss na raw niya ito at magcecelebrate sila pagnagkasama na sila ulit.

Bagama’t nasa video chat lamang si daddy Ronald ay sabay sila ni Yassi na hinipan ang birthday candle. Si Yassi ang nag-wish para sa kanya.

Abangan pa ang mga touching moments ng mga housemates kasama ang kanilang mga kapamilya sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights pagkatapos ng Born For You.