DJ Chacha turns emotional after seeing her daughter’s message

Matapos mapagtagumpayan ng mga male celebrity housemates ang kanilang third big task, inutusan ni Big Brother si Nonong Ballinan na buksan ang isa sa mga baskets na may lamang sorpresa.

Nabunot naman ni Nonong si DJ Chacha at saka ipinalabas ang maikling mensahe ng kanyang anak na si Sabbina.

“Mommy nasa Pinoy Big Brother ka daw, miss na miss na kita I love you,” sabi ni Sabbina.

Nang makausap ni Kuya si DJ Chacha sa loob ng confession room, sinabi naman niyang hindi na siya iiyak dahil alam naman niyang nasa mabuting kalagayan ang anak niya at masaya na siyang masilayan ang baby girl niya.

Para patuloy na masubaybayan ang kwento ng mga celebrity housemates, tumutok lamang sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 weeknights, after Born For You sa ABS-CBN.