McCoy at Elisse, meant to be?

Dahil successful ang mga male housemates sa third big task na ibinigay ni Big Brother, nakatanggap sila ng mga baskets na may mga sorpresa para sa kanilang fellow housemates.

Unang pumili si Nonong at napag-alaman na para kay Chacha ang basket na nakuha niya. Naiyak naman ang radio DJ ng makita ang video message ng kanyang anak.

Sumunod namang pumili si McCoy. Inasar ito ng mga housemates. Ani nila, kung ang para kay Elisse ang makuha niya ay sign na ito. True enough, ang pangalan nga ni Elisse ang nabunot niya.

Natawa naman si McCoy nang makausap si Kuya at sinabing ang galing naman, sa daming housemates ay siya pa ang nabunot. Ani naman ni Nonong, sobrang destiny naman ito. Nagulat rin naman si Elisse.

Speaking of the commercial model, naiyak si Elisse nang mapanood ang video message ng kanyang ina. Kinomfort naman siya ng mga housemates at inudyok si McCoy na yakapin siya, wala naman raw itong malisya. Hindi naman binigo ni McCoy ang mga housemates at niyakap si Elisse.

Abangan pa ang mga kilig moments sa loob ng Bahay ni Kuya. Catch Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights after Born For You.