Elisse gets emotional as she remembers ex-boyfriend

Nag-open up ang tinaguriang “Hugot Babe” na si Elisse sa mga female housemates tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

Panimula nito, napanaginipan niya raw ang ex. Nang tanungin siya kung sino ba ang mysterious guy, pinagtapat ni Elisse na isa siyang artista na nagkaroon ng show before. Isang taon silang nag-date.

Sa confession room, naging emosyonal naman si Elisse nang magkwento kay Big Brother ng tungkol sa kanyang ex-boyfriend. Aniya, hindi niya raw masabi na iniwan siya pero parang ganoon ang naramdaman niya. Hindi naman na daw sila nag-uusap at sinabing hindi niya rin makakausap ang aktor ng ‘di niya naaalala ang ginawa.

Tinanong naman siya ni Big Brother kung ano ang maipapayo niya sa karakter niya sa isang popular na commercial na tila’y may parehong pinagdaanan. Sagot ni Elisse, “Kahit anong mangyari, makakayanan mo rin na makalimot at magsimula ng bago. Mas makakabuti in time.”

Samantala, panay naman ang panunukso ng mga housemates kina Elisse at McCoy. Unang napansin ng host na si Toni Gonzaga ang pagtitinginan nila ng maglaro ang mga housemates ng Fruit or Consequence. Sabi naman ni Yassi, feeling niya may crush si Elisse kay McCoy dahil tuwing inaasar ay namumula ito. Nahihiya naman daw si McCoy kay Elisse dahil sa panunuksong ginagawa. Aniya, kaibigan niya ito at bilang may pinagdadaanan ito, they are there to comfort her.

Magkadevelopan kaya sina McCoy at Elisse? Keep on watching Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights after Born For You.