Will Thuy become an official regular housemate?

Matapos mapagtagumpayan nila McCoy, Nikko at Yassi ang pamamalengke, at nila Nonong, Hideo at Elisse ang pagluluto, ay turn naman nina Jinri, Thuy at JK na ipagbili ang mga inihandang spring rolls at kape. Ito na ang huling step para matapos ang 7th big task at makapagpapasok ng isang teen housemate.

Ngunit bago sila sumabak sa pagtitinda para makalikom ng 2.5 million Dong ay kinausap ni Big Brother sina Jinri at JK. Sinabi ni Kuya na kapag nanalo sila sa kanilang task ay magiging regular housemate na si Thuy na ikinagulat naman ng dalawang celebrities dahil ang alam nila, house guest ang Vietnamese housemate nila. Kapag nabigo sila sa task ay pauuwiin ni Kuya si Thuy.

Dahil dito ay bigay-todo sa pagtitinda sina Jinri at JK sa pagtitinda. Malaking tulong naman ang pagsasalita ni Thuy ng Vietnamese language.

Sa huli, naging dismayado ang tatlo nang makitang marami pa ang hindi nabenta. Naiyak rin si Jinri on the way sa Big Brother house dahil ayaw nitong matalo.

Napagtagumpayan kaya ng mga housemates ang 7th big task nila? Abangan ‘yan bukas sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights pagkatapos ng Born For You.