Mga boys, nagbunutan kung sino ang makakapartner sa Ball

Muling pumasok sa Bahay ni Kuya ang celebrity housemate na si Elisse Joson bilang Fairy Hugot Mother.

Tinipon niya ang mga girls sa kanilang bedroom at bumunot ng mga hugot lines na isinulat ng mga girl housemates. Isa-isa niya itong binasa at kinausap ang mga housemates ukol dito para mas makilala sila at i-inspire.

Maya-maya ay binasa na ni Elisse ang isang imbitasyon mula kay Kuya. Aniya, magkakaroon sila ng Ball.

Kinausap naman ni Big Brother si Edward at pinabunot kung sino ang magiging ka-partner niya sa Ball. Nabunot naman ni Edward si Maymay.

Pagkalabas ng confession room, pinaalam na ni Edward sa mga boys na hindi sila makakapamili ng kapartner. Hindi rin nila pwedeng sabihin sa girls ang tungkol dito. Isa-isa na rin silang tinawag sa confession room para makabunot.

Nang si Marco na ang ipinatawag ay kinabahan ito sapagkat gusto niyang makapartner si Heaven. Sa huli ang nabunot niya ay si Kristine. Malungkot ito dahil aniya, he was really hoping to dance with Heaven.

Si Christian naman ang nakabunot kay Heaven kung kaya’t he felt troubled daw dahil baka magselos si Marco. Ayon dito, may konting feelings na raw kasi si Marco for Heaven.

Masaya naman si Aizan dahil nabunot nito ang gusto niyang makapartner na si Fenech. Nabunot naman ni Yong si Rita.

Papasok naman ang isa pang celebrity housemate na si McCoy De Leon upang gabayan at turuan maging maginoo ang mga boys lalo na sa darating na Ball.

Paano kaya mag-re-react si Elisse ‘pag nakita si McCoy? Ano nga bang mangyayari sa Ball? Abangan ‘yan sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi-gabi sa ABS-CBN.