Bakit nga ba naiyak ang ‘Badjao Girl ng Lucena’ na si Rita Gaviola sa Bahay ni Kuya?

Bagama’t nagtagumpay ang mga teen housemates sa kanilang first lucky task ay hindi naiwasang malungkot ng task leader na si 15-year-old Christian Morones dahil aniya, hindi niya naibigay ang best niya.

Sa kagustuhang magpag-isa, nagswimming si Christian sa pool kahit na malakas ang ulan. Nilapitan naman siya ni 13-year-old Rita Gaviola para makipag-usap ngunit umiwas si Christian. Dahil dito, nagdamdam si Rita.

Nang parehas na silang nasa loob ng Bahay ni Kuya, naging emosyonal na si Rita. Aniya, “Kasi ganito, walang kibuan, walang pansinan. Parang may problema tayo sa isa’t isa. Ano bang nangyayari sa atin? Kanina masaya, ngayon malungkot.”

Pinipigilan naman siya ng mga housemates sa pag-iyak at sinasabing hindi naman sila nag-aaway-away.

Sabi ni Christian, “Hindi lahat ng problema madaling ilabas… Hindi pwedeng parating masaya ang tao. Tao tayo, hindi tayo ginawang happy machine. Kaya tayo binibigyan ng problema para harapin, matuto at gagamitin natin ito para sa buhay natin.”

Sinabi naman ni Rita na nasaktan siya nang makita niyang umiiyak si Christian sa pool area. Ani naman ng mga housemates ay bigyan ng “time” si Christian. Ani naman ni Christian, “Gusto mo sabihin ko problema ko ngayon? Sasabog ako ngayon… ‘Yun na nga kaya ‘wag kang magmadali kasi si Kuya nga mismo nagsasabi, lahat may tamang panahon.”

Bilang nakakatanda sa grupo, sinabihan naman ng 19-year-old na si Maymay Entrata si Christian, “Kung may problema ka, sabihin mo sa isa o dalawa, ‘wag lang sa lahat na ipakita kasi may bata. Hindi naman natin alam kung anong nararamdaman ng iba.”

Sinabihan din ni Big Brother si Christian na masama pa rin ang loob sa inasal ni Rita. Ayon dito, dahil sa hirap ng buhay ay sanay si Rita na mag-take charge kung kaya pinayuhan niya si Christian na ang kailangan ng kanyang nakakabatang ‘kapatid’ sa loob ng bahay ay pasensya at pang-unawa.

Sa huli ay nagkabati rin ang dalawa. Nag-sorry si Rita at nagyakapan sila.

Panoorin ang kaganagapan dito:

Maging updated sa mga pangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya. Manood parati ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi gabi sa ABS-CBN.