JK gets emotional as he misses his mother
Isang emosyonal na JK ang napanood sa episode ngayong gabi ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, Hulyo 15.

Unang beses naiyak ang pinakabatang housemate ni Kuya ng aminin nitong feeling niya ay useless siya sa isang task na ibinigay. Ani ni JK, ayaw niya raw sabihing kaya niyang gawin ang isang bagay pero hindi pala. Ayaw niya raw magkamali ang grupo at siya ang maging dahilan. “Ang tanda na ho nila para makinig sa isang bata,” sabi pa nito.

Binigyan naman siya ng words of encouragement ni Kuya, “Hindi totoo na hindi ka nila kailangan… Hindi mabubuo ang aking mga housemates kung wala ka.” Dagdag pa nito, wala siya sa PBB house kung walang nakitang espesyal sa pagkatao niya. Sabi ni Kuya, his opinion is equally important.

Maya maya ay inopen-up ni JK ang nangyari kina Chacha at Nonong. Kinomfort naman siya ng mga ito at sinabing kung hindi dahil sa pagkanta niya ay hindi magiging ganoong ka-successful ang kanilang task.

Ikalawang beses na naiyak si JK ng aminin kay Kuya na namimiss niya ang kanyang namayapang ina. Pumanaw ang ina ni JK bago siya nag-audition para The Voice Kids Season 1.

Sabi ni JK ay pinipilit niyang hindi maalala para hindi siya masaktan. Aniya, kasama niya ang kanyang ina hanggang sa huling hininga nito.

Comforting words naman ang binigay ni Big Brother sa kanya. Sabi nito ay naniniwala siya na itong karanasan ni JK ang siyang magpapatatag dito upang maging mahusay na tao. Pinayuhan din niya ito na i-enjoy ang buhay habang bata pa sapagkat mahirap ng balikan ito.

Kilalanin pa ang mga celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, weeknights pagkatapos ng Born For You sa ABS-CBN.