Thuy, inaming marunong mag-Tagalog sa mga housemates

Dahil nanalo ang mga housemates sa 7th big task, opisyal ng magiging regular housemate si Thuy.

Naging emosyonal naman si Thuy nang dumating ang hudyat para aminin niya ang totoong pagkatao sa mga housemates.

Ani nito, marunong siyang mag-Tagalog na ikinagulat naman ng mga housemates gaya ni Nonong na mahilig pang biruin si Thuy gamit ang wikang Tagalog.

Mula sa pag-iyak ay natatawa na si Thuy nang ipakilala ang sarili, “I’m full Vietnamese. ‘Nung pinanganak ako sa Pilipinas, sa Palawan, labing-tatlong taon ako dito tumira sa Pilipinas so I went to school here.” She then shared that she is from Tacloban so she also knows how to speak Waray.

Ipinagpatuloy pa ni Thuy ang kwento. Lumipat daw sila sa California kung saan siya naging nurse. Aniya, hindi siya talaga naging parte ng Vietnamese Big Brother.

Matapos magtapat sa mga housemates, sinabi ni Thuy kung gaano siya kasaya kay Big Brother. It’s like she has achieved so much daw. Nagpasalamat din siya sa tulong ni Kuya.

Panuorin ang pag-amin ni Thuy dito:

PBB7 Day 16: Thuy, ipinakilala na ang kanyang sarili sa mga housemates

Ano pa nga ba ang mga matutunan ng mga housemates? Manood parati ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7, gabi-gabi pagkatapos ng Born For You.