Jinri Park gets emotional as she opens up more about herself
Isa ang celebrity housemate na si Jinri Park sa mga tahimik sa loob ng Big Brother house at kinamusta rin ni Kuya ang kanyang kalagayan. Si Jinri ay isang pure Korean na lumaki sa Pilipinas at nang siya'y bata pa madalas siyang ma-bully dahil iba ang kanyang itsura.

Binigyan naman ni Kuya si Jinri at Hideo ng task upang mas mapalapit sila sa iba pang housemates at mas makapag open up ng kanilang mga sarili. Tuturuan nilang mag model ang iba pa nilang kasama.

Nang matapos ang task, naikuwento naman ni Jinri na natuwa siya. Naisip rin niya na bago siya pumasok sa loob ng Big Brother house, wala siyang pangamba kung aalis siya ng bahay o hindi pero nung nagtagal ayaw na raw niya dahil mas magkakaroon siya ng depression dahil mag-isa na lamang uli siya sa kanyang bahay dahil wala siyang pamilya dito.

Mami-miss niya raw si Nonong na laging nagpapatawa, ang tawa ni Thuy, mga reaction ni Dj Chacha at lahat ng housemates dahil masiyahin sila.

Pinayuhan naman siya ni Kuya na choice niya at hawak niya ang kanyang sariling kaligayahan. Naiyak naman si Jinri at sinabing ang problema raw kasi sa kanya ay mahilig niyang ikumpara ang sarili niya sa ibang tao at kapag kunwari ay mas mabilis matuto ang isa kaysa sa kanya, napanghihinaan agad siya ng loob.

Pinayuhan naman siya ni Kuya na baka hindi lamang niya nakikta ang angking galing niya.

Ngayong gabi rin ang first nomination night ng mga celebrity housemates at isa si Jinri sa apat na nominado. Bukod sa kanya, nominado rin sina Hideo, Yassi at JK.

Mauuna na kayang lumabas ng bahay si Jinri? Abangan ito ngayong Linggo, July 24 sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7.