• MONDAY - SATURDAY at 10PM | SUNDAY at 8:30 PM
  • MONDAY - SATURDAY at 10PM | SUNDAY at 8:30 PM
Justin Dizon, unang na-evict sa PBB Connect

Nagpaalam na sa bahay ni Kuya noong Disyembre 27 si Justin Dizon bilang unang evictee ng “PBB Connect” makatapos makakuha ng -2% ng pinagsamang Kumu at text votes.

Ibig sabihin nito, mas maraming votes to evict na natanggap si Justin kaysa sa votes to save. Nakakuha naman ng combined Kumu at text votes si Mika Pajares ng 3.30%, habang 12.64% ang natanggap ni Aizyl Tandugon.

Kahit siya ang kauna-unahang pinauwi ng taumbayan at Kumunity, bakas sa mukha ni Justin ang pasasalamat na maging bahagi ng “PBB Connect.” Ani Justin, ang mahalaga ay nagpakatotoo siya.

“Despite what transpired in the house, I just want to say I kept it real. I came here to be me. I came here to be honest. Ang importante ay nagpakatotoo ako at babaunin ko ang lahat ng natutunan ko kay Kuya pati sa kapwa housemates ko,” paliwanag ni Justin.

Mainit ang naging suporta ng PBB Kumunity sa 117 aspiring housemates dahil nakalikom ang “PBB Connect” ng kabuuang na 1,107,881,850 diamonds.

Sino-sino kaya ang susunod na housemates ang magiging nominado for eviction? 

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account. Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).