PBB Gen 11 housemates, makikilala na

Muling magbubukas ang pinakasikat na bahay sa bansa dahil handa na si Kuya na magpatuloy sa kanyang tahanan ng bagong batch ng housemates para sa ika-11 season ng “Pinoy Big Brother Gen 11” ng ABS-CBN na eere na sa Hulyo 20.

Kasama sina Kim Chiu, Robi Domingo, Enchong Dee, Alexa Ilacad, Melai Cantiveros, at Bianca Gonzalez, ipapakilala na ni Kuya sa publiko ang kanyang bagong new gen housemates na sasabak sa panibagong season na tiyak na puno ng hamon, masasayang alaala, at mga sandaling susubok sa kanilang pagkatao sa loob ng “PBB” house.

 Pinoy Big Brother Gen 11 housemates makikilala na 1

Ngayong taon, 35,906 ang kabuuang aspiring housemates na nag-audition sa StarHunt, ang audition platform ng ABS-CBN. Pero iilan lamang ang magkakaroon ng pambihirang oportunidad na manirahan sa loob ng bahay ni Kuya at maging bahagi ng 11th season ng “PBB.”

Mula Hulyo 15 hanggang 19 naman, makikilala na ang bagong housemates ni Kuya dahil may isang housemate na ibubunyag kada araw sa “Star Hunt: The Audition Show,” kung saan mapapanood ng publiko ang journey ng iba’t ibang aspiring housemates at Star Magic artist hopefuls.

Sa loob ng 19 na taon, napakilala ng “Pinoy Big Brother” sa publiko ang iba’t ibang personalidad na sumasalamin sa bawat Pilipino. Binago ng “PBB” ang buhay ng maraming housemates na naging parte ng iba’t ibang edition ng show at nagkaroon din ang programa ng mahalagang epekto sa mga viewer dahil sa pagpapakita nito ng iba’t ibang katangian ng isang Pilipino.


Sino kaya ang mga bagong housemate ni Kuya? Alamin simula ngayong Hulyo 20 sa on “Pinoy Big Brother Gen 11” mula Lunes hanggang Biyernes (10:15 pm) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.

Tutukan din ang mga kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TV5.