Masusubok ang katatagan at samahan ng mga Housemate matapos paghiwalayin ni Kuya ang adults at teens sa loob ng kanyang pamamahay at magiging magkatunggali ngayong linggo sa "Pinoy Big Brother Gen 11."
Unang inatasan ni Kuya sina Jarren at JP na makipagpalitan ng kwarto kina Kolette at Jas nang inanunsyo niya na ipinaghiwalay niya ang adult at teen Housemates. Para mas masubok ang kanilang samahan, ipinagbawal ni Kuya na makihalubilo ang adults at teens, at pinagtunggali sila sa kanilang Two Towers weekly task.
Dahil dito, magkasangga ngayong linggo ang teen Housemates na sina Jarren, JP, Fyang, Kai, at Rain habang sina Kolette, Jas, Binsoy, Dylan, at JM naman ang magkakasama na adult Housemates.
Samantala, nagpakilig naman JM nang magtapat ng kanyang nararamdaman para kay Jas nang aminin din niyang siya ay nagseselos sa pagiging malapit kay Dylan. Inamin naman ni Dylan na walang namamagitan sa kanila habang sinabi ni Jas na may pag-asa si JM na sila'y magkatuluyan.
Bago naman ang paghihiwalay ng mga Housemate, nagsama-sama muna sila para manood ng 2024 box-office hit ng Star Cinema na "Un/Happy for You." At bilang karagdagang sorpresa, bumalik muli sa bahay ni Kuya ang lead star nito at dating Housemate na si Joshua Garcia para makisama sa “PBB Gen 11” Housemates.
Aabangan din ngayong linggo kung sino kina Dylan, Kolette, at Rain ang manganganib na mapalabas sa bahay. Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Abangan ang latest updates sa "Pinoy Big Brother Gen 11" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:15 PMsa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Mapapanood din ito tuwing Sabado at Linggo, 8:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC, at 9:30 PM sa TV5.