• WELCOME MGA KAPAMILYA!
  • WELCOME MGA KAPAMILYA!
Sarah Carlos, eeksana sa “Pangako Sa’Yo”
Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ng bagong Kapamilya star na si Sarah Carlos sa pagdating ng kanyang karakter na si Bea Bianca sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Pangako Sa’yo.”

“Sobrang nagpapasalamat po ako na ako ang napili para sa karakter ni Bea Bianca. Malaking challenge po para sa akin na gampanan ang role niya. Nakaka-pressure po ‘yung expectation ng mga tao sa karakter ko. Kaya naman po gagawin ko talaga ‘yung best ko para magampanan ito nang maayos,” pahayag ni Sarah.

Dagdag ng bagong “Pangako Sa’yo” star, masaya siya na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Siguro po ‘yung first scene ko kasama si Daniel ‘yung isa sa pinaka hindi ko malilimutan na experience dahil iyon po ‘yung kauna-unahan kong eksena na ginawa, tapos ganun pa kabigat. Kay Kathryn din naman po, nadalian akong makatrabaho siya dahil magaan siyang kasama at unti-unti ko na rin po siyang nakikilala bago pa man kami nagkaroon ng eksena,” ani Sarah.

Nang tanungin kung ano ang dapat abangan ng “Pangako Sa’yo” viewers sa pagpasok ng kanyang karakter istorya, sinabi ni Sarah na dapat tutukan ng lahat kung paano niya babaguhin ang takbo ng buhay ng mga karakter nina Daniel at Kathryn.

Aniya, “Ibang iba po ang Bea Bianca ngayon kumpara sa Bea Bianca noon. Kaya dapat pong abangan ng lahat kung paano makakaapekto sa relasyon nina Yna (Kathryn) at Angelo (Daniel) ang pagdating niya.”

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino, “Pangako Sa ’Yo,” gabi-gabi pagkatapos ng “Nathaniel” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Pangako Sa ’Yo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.