• WELCOME MGA KAPAMILYA!
  • WELCOME MGA KAPAMILYA!
Pagbabalik ni Amor Powers sa "Pangako Sa'Yo", yayanigin ang primetime TV
Masasaksihan na ng TV viewers ang hagupit ng paghihiganti ng karakter ni Jodi Sta. Maria sa kaabang-abang na pagbabalik ni Amor Powers sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Pangako Sa ’Yo.”

Matapos ang mahabang panahon ng pananahimik, handa na si Amor na muling harapin ang mga taong sumira ng kanyang buhay at pamilya, at iparamdam sa mga ito ang batas ng isang api. Ano ang gagawin ni Amor sa oras na makaharap niya muli ang lalaking iniibig na si Eduardo (Ian Veneracio) at ang babaeng sumira sa kanilang relasyon na si Claudia (Angelica Panganiban)? Paano nga ba niya babaguhin ang buhay ng lahat kabilang na ang mas lumalalim na samahan nina Angelo (Daniel Padilla) at Yna (Kathryn Bernardo)?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino, “Pangako Sa ’Yo,” gabi-gabi pagkatapos ng “Nathaniel” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Pangako Sa ’Yo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.