• Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
  • Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
Moises anak ni Raphael Sagrado

Pasabog ang mga plot twist sa Kapamilya teleseryeng “Pamilya Sagrado” matapos itong magtala ng record-breaking online views sa dalawang magkakasunod na gabi. Kasabay nito ang matinding rebelasyon sa serye na si Moises (Kyle Echarri) nga ang anak ni Rafael (Piolo Pascual).

Kapanapanabik ang episode noong Hulyo 31 na nakapagtala ng all-time high na 619,889 peak concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube. Ito ang unang beses na lumagpas ito sa 600,000 viewers para sa mga sabay-sabay na nanonood.

Kapit na kapit ang mga manonood sa kwento dahil nakatakdang magbago ang kapalaran ni Moises dahil kumpirmado nang siya ang anak ng bise-presidente na si Rafael. Ngunit hindi pa ito natuklasan ng mag-ama at gagawin ni Mercedes (Mylene Dizon), ang asawa ni Rafael, ang lahat upang hindi ito mabunyag sa taumbayan.

Inuulan din ng papuri ang tumitinding komprontasyon sa pagitan nina Moises at Justin (Grae Fernandez), na anak din ni Rafael. Ang dami pang dapat abangan sa pasabog na salpukan ng dalawang aktor dahil desidido na si Moises na kalabanin at ilantad ang mga krimen ni Justin at ang pamilya nito para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Roland. 

Itataya pa rin ni Moises ang kanyang buhay kahit alam niyang patuloy na mamanipulahin ng mga Sagrado ang katotohanan para protektahan ang kanilang reputasyon.

Hanggang saan aabot ang pakikipaglaban ni Moises para sa hustisya? Paano kaya makakaapekto ang totoong identidad ni Moises sa relasyon niya sa mga Sagrado?

Panoorin ang matinding mga rebelasyon sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC