• Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
  • Monday - Friday after FPJ’s Batang Quiapo
Coco, masayang makatrabaho si Piolo

Magaganap na ang pangmalakasang collab dahil magdi-direk si Coco Martin ng ilang action scenes para sa isa pang hit ABS-CBN series na “Pamilya Sagrado.”

Ibinahagi ni Coco na isinama niya ang buong team niya “FPJ’s Batang Quiapo” at game na game silang makatrabaho ang “Pamilya Sagrado” lalo na’t naghahanda sila para sa isang pasabog na action scene.

Coco Martin

Coco and Piolo

“Nandito kami para sumuporta at tumulong. Isang malaking karangalan na ma-direk sina kuya PJ [Piolo Pascual] at ang lahat ng mga veteran actor,” sabi ni Coco sa interview sa “TV Patrol” kung saan ipinasilip din ang isang eksena kasama sina Piolo, John Arcilla, at Shaina Magdayao.

Inamin naman ni Coco na malaking pagsubok ang haharapin niya kahit sanay na siyang sumabak sa action scenes para sa mga programa niya tulad lamang ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at “FPJ’s Batang Quiapo.”

“Honestly nai-stress ako ngayon pero kinakaya naman kasi na-excite kami dahil ang ganda ng i-storya. Binibigay namin ‘yung pinaka-best namin,” sabi niya. 

Piolo Pascual

Excited din si Coco dahil ito ang unang beses niyang magiging direktor para sa isang action TV series kung saan hindi siya parte bilang artista. 

“Kadalasan lahat ng show ko, dahil ako ang artista, ako rin ang nagdi-direk. Ngayon naman, ang sarap lang sa pakiramdam na naka-focus ako sa pagdi-direk,” dagdag niya. 

Coco and Piolo

Sa pagsasanib-pwersa ng “FPJ’s Batang Quiapo” team sa “Pamilya Sagrado,” mas pinalakas na serye ang dapat abangan ng mga manonood sa sunod-sunod nitong mga pasabog. 

Kamakailan nga ay nagtala ng panibagong online records ang dalawang programa sa Kapamilya Online Live noong Agosto 7 kung saan pumalo sa 659,229 peak concurrent viewers ang “FPJ’s Batang Quiapo,” habang nakakuha ng 642,170 peak concurrent viewers ang “Pamilya Sagrado.”

Abangan ang mga maaaksyong tagpo sa “Pamilya Sagrado” gabi-gabi ng 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC. Mapapanood din ito 48 oras bago ang TV broadcast sa iWantTFC