Fudgee Barr: Obarr sa Sarap = BINI - Obarr sa Sarap sa Mata at Pandinig!
Natapos nung nakaraang June 28 hanggang June 30 sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City ang BINIVerse, ang makasaysayang three-night concert ng tinaguriang Nation’s Girl Group, ang BINI! At siyempre, kasama ang Fudgee Barr sa saya at kantahan ng gabing ito.
Nakatikim ang mga BLOOMs na dumalo sa concert ng Fudgee Barr na tunay namang Obarr sa Sarap! Napatunayan nilang totoo ang inside-out goodness na may rich, creamy fillings ang mga soft-fudgy bar cakes ng Fudgee. At gaya nina BINI Maloi, BINI Sheena, BINI Mikha, BINI Jhoanna, BINI Gwen, BINI Colet, BINI Stacey, at BINI Aiah, may iba-ibang katangian, lasa at sarap ang bawat flavor ng Fudgee – Choco, Dark Choco, Salted Caramel, Milk, Vanilla, Macapuno, Mocha, at Durian.
Nagpa-energy check din sa New Frontier Theater and Fudgee Barr sa papmamagitan ng kanilang Playful Happiness Camera kung saan naghanap sila ng lima sa pinakabibong mga BLOOMs upang maglaro ng masayang memory game.
At kung gaano kasaya ang adventure ng pagtikim ng Fudgee Barr, ganun din kaganda ang mga kuwento at talentong ipinamalas ng BINI sa kanilang first solo concert! Tila pelikula ang BINIVerse kung saan naranasan ng mga tagapanuod ang journey ng grupo, mula sa mga struggle nila nung umpisa hanggang sa well-deserved na success na kanilang natamo dahil sa mga hit songs nila na kagaya ng “Na Na Na”, “Lagi”, “I Feel Good”, “Karera”, “Salamin, Salamin”, “Huwag Muna Tayong Umuwi” at “Pantropiko”. May drama at katatawanan sa buong gabi na siyang nagpapatunay kung bakit napamahal at nainlab ang mga BLOOMs mula sa iba-ibang sulok hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong daigdig. Tunay na Obarr sa Sarap sa Mata at Pandinig ang BINI!
Nag-shine din ang BINI girls sa kanilang mga solo numbers. Nagpakita ng talento sa paggitara si BINI Mikha bago kumanta ng “That’s What You Get” ng Paramore na hinaluan ng kaunting “Don’t Start Now” ni Dua Lipa. Kumanta sina Stacey at Aiah ng “Thank You Next” (Ariana Grande) at “Woman”, samantalang umawit si Maloi ng “Oo” ng UDD na kasama sa visuals ang mga kanyang mga sariling artwork. Nagpamalas si Sheena ng talent sa pagsayaw ng Rihanna medley. Pinainit nina Colet at Gwen ang stage sa kanilang song-and-dance numbers ng “Crazy in Love” (Beyonce) at “Woman Like Me”. Nagpakita naman ng power sa biritan si Jhoanna sa kanyang pag-cover ng “Isa Pang Araw” ng kanyang idol na si Sarah G. Nagningning din silang lahat sa iba-iba nilang kasuotan sa buong gabi.
Talagang natural lang na magsama at magsanib-puwersa ang Fudgee Barr at BINI dahil sa pareho silang Obarr na Obarr! Kung Obarr sa Sarap ang Fudgee Barr, Obarr sa Sarap sa Mata at Pandinig naman ang BINI!