"Ningning," pinakapinanood na daytime TV program sa bansa!

Namamayagpag ngayon bilang pinakapinanonood na daytime TV program sa bansa top-rating drama series ng ABS-CBN na “Ningning” na pinagbibidahan ng Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.



Patunay dito ang datos mula Kantar Media noong Biyernes (Agosto 21) kung kailan pumalo ang “Ningning” ng pinakamataas nitong national TV rating na 21.9%, o mahigit doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na “The Ryzza Mae Show” (10.1%).



Samantala, bilang pasasalamat sa suporta ng TV viewers sa nangungunang daytime drama series sa bansa, maagang nakipag-bonding sina Ningning (Jana) at ng kanyang best friend na si Macmac (John Steven de Guzman) sa mga cute at bibong estudyante ng Makati Elementary School. Ang pagbisita nina Ningning at Macmac sa eskwelahan ay ang pagsisimula ng “Ningning School Tour.” Huwag palampasin ang pagpaptuloy ng exciting adventures ni Jana sa “Ningning,” araw-araw, bago mag-“It’s Showtime” sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.



Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ningning,” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ito sa Twitter.com/abscbndotcom. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ningning” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.