“Ningning” wins National TV Ratings versus New Rival Show
Wagi pa rin ang “Ningning” tuwing umaga sa kabila ng pagkakaroon nito ng bagong katapat na drama serye sa GMA na pinagbibidahan ng child star na si Ryzza Mae Dizon na nagsimula noong Lunes (Setyembre 21).

Base sa datos ng Kantar Media noong Setyembre 21, nakakuha ang “Ningning” ng national TV rating na 15.6%, tatlong puntos na lamang sa bagong katapat nitong programa na “Princess in the Palace” na mayroong 12.5%.

Samantala, pumalo ng 17.3% ang national TV rating ng “Ningning” noong Setyembre 22, habang halos napanatili ng “Princess in the Palace” ang rating nito na 12.6%, base sa Kantar Media.

Patuloy rin ang pangunguna ng “Ningning,” na pinagbibidahan ng 6-year-old Kapamilya drama actress na si Jana Agoncillo, bilang pinakapinapanood na daytime TV program sa bansa dahil ito lang ang daytime program na pasok sa top 10 most watched programs nationwide noong Setyembre 22 sa ika-7 na pwesto.

Meanwhile, viewers will witness this week the relationship behind Mama Isha’s (Tanya Garcia) closeness to Ningning (Jana Agoncillo) and Macmac (John Steven de Guzman).

Samantala, malalaman na ng viewers ngayong linggo kung ano ang magiging relasyon ni Mama Isha (Tanya Garcia) kay Ninning (Jana Agoncillo) at Macmac (John Steven de Guzman).

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng exciting adventures ni Jana sa “Ningning,” araw-araw, bago mag-“It’s Showtime” sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ningning,” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ito sa Twitter.com/abscbndotcom. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Ningning” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.