"Nathaniel" ng ABS-CBN, bagong pinaghuhugutan ng inspirasyon ng TV viewers
Gabi-gabi nang tinututukan at pinag-uusapan ang top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na “Nathaniel” dahil sa inspirasyon at magagandang aral na ibinabahagi nito sa TV viewers.

Sa katunayan, gabi-gabing pinag-uusapan ng netizens sa social networking sites tulad ng Twitter ang teleseryeng pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Marco Masa. Dahil sa magandang mensahe ng “Nathaniel,” umani ito ng mga magagandang papuri sa sikat na microblogging site tulad ng--“@cutiesweetrose: Ang ganda ng ‘Nathaniel,’ parang ‘May Bukas Pa’ at ‘100 Days to Heaven;” “@_thatandthis: Nakapagbibigay ng pag-asa ang teleseryeng ito, at nakakatulong na intindihin ang mga kaaway natin at mag-isip ng mabuti sa ating kapwa #Nathaniel;” “@realmackyyy: Sa bawat pinapahiwatig ni Nathaniel na aral, nakakaantig. Tagos sa puso;” at “@ellimac_dabal: Yayaman tayo!!! Yayaman tayo sa magagandang asal at aral ng Diyos sa panonood ng ‘Nathaniel'.”

Samantala, tiyak na mas mapapakapit ang TV viewers sa kwento ng “Nathaniel” ngayong nagkrus na ang mga landas nina Nathaniel (Marco) at ng kanyang ama na si Paul (Gerald). Ano ang gagawin ni Nathaniel sa oras na matuklasan niya ang maling paniniwala na itinuturo ng kanyang tunay na tatay? Si Nathaniel na nga ba ang magbibigay daan upang muling manumbalik ang pag-iibigan ng kanyang mga magulang na sina Paul at Rachel (Shaina)?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na tagpo sa kwentong magpapatunay na may kabutihan sa puso ng mga tao, “Nathaniel,” gabi-gabi pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nathaniel” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.