• Articles
“Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” panalo laban sa bagong katapat na serye
Nanatili pa ring matatag ang afternoon drama series ng ABS-CBN na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” sa timeslot nito sa kabila ng pagkakaroon ng bagong katapat na programa.

Base sa datos ng Kantar Media noong Martes (Hulyo 28), nakakuha ang teleseryeng pinagbibidahan nina Denise Laurel, Jane Oineza, Loisa Andalaio, at Vina Morales ng national TV rating na 15.4%, kumpara sa nakuha ng pilot episode ng bagong kalaban nito sa GMA na “Buena Familia” (11.5%). Samantala, mas umiinit ang mga tagpo sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” matapos manganib ang buhay ni Corinne (Jane) at ang magiging anak nila ni Ryan (Jerome Ponce).

Tuluyan na kayang napatawad ni Toni (Denise) sine Corinne at Ryan kaya niya ito tinulungan, o may hihilingin nga ba siyang kapalit sa mga ito? Magagawa na bang patawarin at tanggapin muli ni Cecilia (Vina) ang anak upang muling mabuo ang kanilang pamilya? Huwag palampasin ang mas umiinit na tagpo sa teleserye na sumasalamin sa iba’t ibang klase ng pag-ibig, “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” araw-araw, tuwing 3:15 PM pagkatapos ng “Flordeliza” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.