• Articles
Jane Oineza, handa na bang maging isang ina sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?”
Humaharap sa bagong hamon ang Kapamilya teen star na si Jane Oineza sa afternoon drama series ng ABS-CBN na “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.” Sa gitna ng kaguluhan ng kanyang mga magulang na sina Cecilia (Vina Morales) at Leandro (Christian Vasquez), muling susubukin ang tatag ni Corinne (Jane) at ang pagmamahalan nila ni Ryan (Jerome Ponce) matapos niyang malaman na siya ay nagdadalang tao. Paano haharapin nina Corinne at Ryan ang bagong pagsubok sa kanilang relasyon lalo na ngayong magulo ang kanilang mga pamilya? Ano ang kanilang gagawin sa oras na talikuran sila ng mga taong pinakamamahal nila? Matulungan kaya si Corinne ng kanyang kapatid na si Bea (Loisa Andalio) at kaibigan na si Joel (Joshua Garcia)? Samantala, magagawa na kayang patawarin at tanggapin ni Cecilia ang anak lalo ngayong kinakailangan nito ang kanyang gabay?

Huwag palampasin ang mas umiinit na tagpo sa teleserye na sumasalamin sa iba't ibang klase ng pag-ibig, "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita," araw-araw, tuwing 3:15 PM pagkatapos ng "Flordeliza" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng "Nasaan Ka Nang Kailangan Kita" mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.